DOTR-LTO IPINAMAHAGI NA ANG MGA PLAKA NG SASAKYAN

PLAKA

INI-RELEASE na ng Department of Transportation (DOTr), sa pamamagitan ng Land Transportation Office (LTO) kanina ang mga plaka ng mga sasakyan na nairehistro noong Hulyo 2016 sa mga automotive dealers at owners sa buong bansa.

Ang mga may-ari ng sasakyan na nagrehistro ay puwede nang makuha ang mga plaka sa mga Authorized District Office (ADO) o sa pamamagitan ng kanilang respective dealers, pahayag ng ahensiya kamakailan.

Isa sa mahigpit na order ni Transportation Secretary Arthur Tugade’s noong umupo siya sa ahensiya na siguruhin na ang problema sa kakulangan ng plaka ng sasakyan ay ma­reresolba sa pinakamadaling panahon, ayon sa pahayag ng departamento.

“Itong problema na ito ay matagal na ini­reklamo at idinaing ng mga kababayan natin. Sino ba naman ang matutuwa na nagbabayad ka ng tama tapos aabutin ng siyam-siyam bago makuha ang plaka? Kaya tulad ng ipinangako ng ating Pangulo, heto ho, inayos namin, heto ho, may plaka na kayo,” ani Tugade.

Comments are closed.