MISTULANG nagisa sa pagdinig ng Oversight Committee ng Committee on Transportation ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr), Philippine Ports Authority (PPA) at Maritime Industry Authority (MARINA) dahil sa hindi pagpapatuloy sa Roll-On-Roll-Off (RORO) sa ilang mga pantalan sa bansa.
Mismong si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang kumuwestiyon sa mga opisyal patungkol sa nararanasang congestion o pagsisikip sa mga pantalan tulad sa Iloilo kaya’t hindi naseserbisyuhan nang maayos ang publiko.
Halos wala namang maisagot ang mga naimbitahang opisyal.
Nagduda tuloy si Transportation Committee Chairman Cesar Sarmiento kung nabisita ba ng mga opisyal ang mga pantalan sa bansa.
Maliban dito, mayroon ding mga port na walang barko at may mga ruta na hindi naman kailangan.
Ang RORO system ay isa sa mga proyektong sinimulan noon ni Arroyo para mapagdugtong ang mga isla para sa pagsigla ng komersiyo at turismo sa bansa.
Batay sa target ng gobyerno, dapat magkaroon ng mahigit 2,000 ruta, 647 na pantalan, 87 operators, 424 barko sa loob ng 10 taon.
Target ding mapataas sa P108 milyon ang mga pasahero ng RORO mula sa kasalukuyang P72 milyon. CONDE BATAC
Comments are closed.