UMAPELA si Senador Panfilo Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang kautusan nito na babaan ang taripa sa mga imported na karneng baboy.
Ayon kay Lacson, ang nasabing hakbang ay magbibigay ng ‘double dead’ effect sa local hog industry at sa kita ng gobyerno
“On behalf of the hog raisers, we urgently appeal to the president to reconsider and recall such executive order,” pahayag ni Lacson sa pagdinig ng Senate committee of the whole.
Nagsagawa ng imbestigasyon ang Senado hinggil sa krisis sa food security bunsod ng African swine fever (ASF) outbreak at sa umano’y anomalya sa importasyon ng baboy
“Botcha o double dead ang epekto ng EO (executive order) 128. Bakit? Patay ang lokal na industriya ng baboy, patay rin ang koleksiyon ng taripa ng gobyerno,” pahayag ni Lacson.
Noong nakaraang linggo ay nilagdaan ng Pangulo ang Executive Order 128 na pansamantalang nagpapababa ng taripa sa importasyon ng baboy para maresolbahan ang kakulangan sa suplay ng baboy
Nilinaw ni Lacson na ang suplay ng baboy sa bansa sa nakalipas na tatlong taon ay sapat naman para matugunan ang kasalukuyang kakulangan.
Base sa datos na iprinisinta ng senador, noong 2018 hanggang 2020 ay may 1.85 milyong metric tons (MT) habang ang annual average local production ay 2.25 million MT.
“Where’s the shortage? ‘Di ba malinaw na higit pa sa sapat ang supply? tanong ni Lacson.
Lumalabas, aniya, na hindi na kailangan pang mag-angkat ng kahit isang kilo na kukunin sa 54,210 MT quota na MAV dahil ang official records na ang nagsasabi na sobra-sobra ang lokal na produksiyon na humigit kumulang 403,000 MT o 403 million kilos kada taon upang matugunan ang pangangailangan ng bansa.
Kasabay nito, pinuna ng senador ang mistulang kahinaan ng Department of Agriculture (DA) kaugnay sa matinding problema sa ASF.
“Ang unang tanong, bakit sa halip na mag-isip ang Kagawaran ng Agrikultura ng mga paraan upang matulungan ang mga hog raisers na dumaranas ng matinding pagsubok dahil sa COVID-19 at African swine fever ay importasyon kaagad ang kanilang inihahaing solusyon? Don’t they realize that such inconsiderate course of action has far-reaching implications on our country’s food security and even on our national security?” ani Lacson. LIZA SORIANO
864308 431428I truly enjoy examining on this site , it has good content material . 668478
148222 889449Some genuinely fascinating details, well written and broadly user pleasant. 396475
129506 922163This sort of in search of get the enhancements produced on this special lifestyle and diet, begin your L . a . Shifting the pounds diet remedy is actually a huge procedure into accesing which usually hope. weight loss 952768