DOUBLE-DIGIT GROWTH NG PHILIPPINE ABACA PRODUCTION

KILALA ang Pilipinas na laging dinadaanan ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo.

Ang mga delubyo ay natural lamang na tumatama sa mga bansang napapaligiran ng Karagatang Pasipiko.

Madalas nagsisimula ito sa mga buwan ng mas maaga pa sa Mayo at kalimitan ay nagtatapos sa mga buwan ng Disyembre.

Malalakas ang mga bagyong pumapasok tuwing buwan ng Hulyo hanggang Nobyembre.

Nabubuo ang mga bagyo sa karagatang pasipiko at dinaraanan ng mga ito ang mga bansang Taiwan, Tsina, Vietnam, Timog Korea, Japan, Pilipinas.

Dahil naman sa Habagat na nanggagaling sa mga bansang Indonesia at India ay karaniwang lumalakas ang mga bagyo bago tumama pa sa ibang bansa.

Pero alam n’yo ba na sa kabila ng kalamidad at pandemya, posibleng sumampa sa 3-year high ang Philippine abaca output ngayong taon?

Ayon kay Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFida) Executive Director Kennedy Costales, nakapagtala daw kasi sila ng double-digit growth nitong January-to-July period.

Aniya, maaaring lumago ang domestic abaca production ng 18.33 percent o 70,000 metric tons (MT) ngayong 2021 lalo na kung mapapanatili ng sektor ang naiposte nitong 10.2-percent production growth rate sa seven-month period.

Huling sumirit sa 70,000-MT level ang Philippine abaca production noon pang 2018 nang umabot sa 76,259.38 MT ang kanilang output, base na rin sa datos ng PhilFida.

Ayon sa datos, ang abaca output sa Catanduanes province, top producer ng natural fiber, ay umakyat sa 2.3 percent o 10,638.81 MT, senyales na dahan-dahan na itong nakakabangon mula sa pananalasa ng bagyong Rolly noong 2020.

Ang Abaca production naman sa Northern Mindanao ay lumobo ng 83.6 percent o 4,697.36 MT na mas mataas kumpara sa 2,558.97 MT noong isang taon habang sa Western Visayas naman ay lumago ng higit kalahati o naging 2,084.44 MT mula sa 1,248.65 MT sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.

Kaya raw nagkaroon ng malaking output growth sa Northern Mindanao ay dahil sa malawakang distribusyon ng seedlings sa rehiyon na nagsimula apat na taon na ang nakalipas.

Ngayon, inaani na ng mga magsasaka ang benepisyo mula sa seedlings.

Ang Pilipinas ay kilalang top producer at exporter ng abaca sa buong mundo o katumbas ng 84 percent ng global market share.

Ang abaká (musa textilis) ay isang halamang hemp o napagkukunan ng himaymay o fiber kung saan berde rin ang mga dahon nito na kawangis ng dahon ng saging.

Bagama’t parang saging, madaling makilala ang abaka sa pamamagitan ng ilang katangian nito. Una, mas patulis ang dahon nito kumpara sa saging at ang ibabang bahagi ay hindi pantay. Ang magkabilang bahagi ng dahon nito ay parehong makintab at madulas.

Maraming kapakinabangang pang-ekonomiya ang abaka kaya marami ring bansa ang umaangkat nito.

Ang hibla ng abaka ay hinahabi upang gawing tela para sa paggawa ng damit o kurtina, lubid, basket, at iba pang mga produkto.

Ang abaka ay ilan lamang sa mga produkto na dapat nating ipagmalaki.

Mahalagang mahalin ang sariling atin.

Para sa akin, ang pagpapahalaga at pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga likha at produktong Pilipino ay isa pang paraan ng pagmamalaki sa ating mahal na bansa.

8 thoughts on “DOUBLE-DIGIT GROWTH NG PHILIPPINE ABACA PRODUCTION”

  1. 422275 151997You made some decent points there. I looked on the internet for the problem and identified most individuals will go along with with your site. 339315

  2. 903148 553205The vacation trades offered are evaluated a variety of in the chosen and just great value all around the world. Those hostels are normally based towards households which you will uncover accented by way of charming shores promoting crystal-clear fishing holes, concurrent of ones Ocean. Hotels Discounts 54268

Comments are closed.