ISA na ngayong two-time Olympic gold medalist si Carlos Yulo.
Naghari si Yulo sa vault finals ng men’s artistic gymnastics sa 2024 Paris Olympics Linggo ng gabi sa Bercy Arena upang kunin ang kanyang ikalawang gold medal.
Si Yulo, dating world champion, ay umiskor ng 15.116 para sa kanyang dalawang vaults.Una siyang nag-perform ng isang Ri Se Gwang para sa iskor na 15.433, at pagkatapos ay Kasamatsu double twist para sa iskor na 14.800.
Tinalo ni Yulo ang pitong iba pang kalahok, kabilang sina Artur Davtyan ng Armenia na kinuha ang silver sa iskor na 14.966, at Harry Hepworth ng Great Britain, na nagkasya sa bronze sa iskor na 14.949.
Ibinigay ng “Golden Boy” ang unang gold medal ng bansa sa Paris Olympics noong Sabado ng gabi matapos ang stunning performance sa floor exercise.
Sa qualification ay tumapos si Yulo sa sixth sa vault, sa iskor na 14.683.