LA UNION – KASONG 2 counts of murder ang isinampa sa mga itinuturong suspek na umano’y nang-ambus kay Supiden Mayor Alexander Boquing at sa mga kasama nito sa bayan ng Bangar.
Sinabi ni Sr. Supt. Ricardo Layug Jr., director ng La Union Police Provincial Office, na nahuli ang suspek na si Rosendo Sibayan, alyas ‘Tukak’, 29-anyos, residente ng Barangay Butubut Norte, Balaoan, matapos nilang ipatupad ang search warrant na inilabas ni San Carlos City, Pangasinan Regional Trial Court Branch 57 Judge Jaime Dijillo Jr. dahil sa ilegal na pag-iingat umano ng sandata.
Sa paghalughog ng iba’t ibang unit ng pulisya sa bahay ng suspek ay natuklasan ang anim na live ammunitions at isang fired catridge ng cal. 5.56 para sa M-16 rifle.
Ayon kay Layug, hindi umano nagdalawang isip ang mga testigo na ituro si Sibayan na siyang gunman sa pananambang.
Humaharap din si Sibayan sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 dahil sa mga nakumpiskang bala ng baril mula sa kanyang bahay at isasailalim din ang mga ito sa cross matching.
Inaasahan na madadagdagan pa aniya ang kaso ng suspek kapag pormal na rin na naghain ng reklamo ang naulilang misis ng namayapang alkalde na si vice mayor at ngayon nakaupo na bilang Mayor Wendy Joy na nakaligtas sa pananambang.
Maghahain din umano ng kaso laban sa mga suspek si Mayor Wendy Joy matapos mailibing ang kanyang mister. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.