‘DOUBLE MUTANT’ NA INDIAN VARIANT NG COVID-19 (‘Di pa nade-detect sa Pinas)

KINUMPIRMA ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pa nade-detect sa Filipinas ang tinatawag na Indian variant ng COVID-19.

Sa isang virtual briefing, sinabi ni Vergeire na nirebyu na nila ang lahat ng kanilang rekord at wala pa silang natukoy na ganitong variant ng coronavirus sa bansa.

“Dito po sa atin sa Pilipinas, we reviewed all of our records. Pinaaral din natin sa Philippine Genome Center (PGC). We have not detected yet this kind of variant across the 5,000 na na-sequence na po natin na mga specimen dito sa bansa,” ani Vergeire.

Nabatid na ang bagong variant ng virus ay natukoy sa India at lumikha ng headlines dahil sa surge ng mga kaso nito roon.

Na-detect na rin ito sa iba pang bansa, gaya ng Estados Unidos, Australia, Israel, Switzerland at Singapore.

Ang naturang virus ay tinagurian umanong “double mutant” dahil sa presensiya ng dalawang mutations sa spike protein nito, na nagpapahintulot dito upang mabilis na makapasok sa katawan ng tao at mas mabilis na dumami.

Sinabi naman ni Vergeire na ang naturang variant ay natukoy na noon pang Oktubre 2020 at natuklasan na sa may anim na bansa.

“Pinag-aaralan ngayon ng Inter-Agency Task Force on COVID variants itong sinasabing Indian variant,” aniya. “Nagkaroon na rin tayo ng initial discussion with the Department of Foreign Affairs. They are just waiting for the recommendation of DOH together with our experts.”

Inihayag pa ni Vergeire na kaagad silang magpapalabas ng rekomendasyon sa IATF sa sandaling makatanggap ng impormasyon mula sa mga eksperto.

Sa kasalukuyan, mayroon nang naitatalang UK variant, South Africa variant, Brazil variant at Philippine variant ng COVID-19 sa bansa.

Ang mga naturang variant ang sinasabing dahilan ng panibagong surge ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Filipinas. Ana Rosario Hernandez

3 thoughts on “‘DOUBLE MUTANT’ NA INDIAN VARIANT NG COVID-19 (‘Di pa nade-detect sa Pinas)”

  1. 546364 247921This design is spectacular! You most certainly know how to keep a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (well, almost…HaHa!) Wonderful job. I really enjoyed what you had to say, and more than that, how you presented it. Too cool! 74887

  2. 439369 61053Thanks for some other great post. Exactly where else could just anyone get that type of information in such an perfect means of writing? Ive a presentation next week, and Im at the search for such information. 606336

Comments are closed.