NEGROS OCCIDENTAL – PATAY ang isang lolo nang mabangga ito at magulungan ng mga sasakyan sa Bacolod City noong gabi ng Linggo.
Lumalabas na papatawid ng kalsada sa Araneta Street, Barangay Sumag ang biktimang si Eduardo Enriquez nang masalpok ito ng isang motorsiklo, base sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera.
Nakita sa video na napahiga ang biktima sa gitna ng kalsada at nagawa pang iwasan ng isang passenger jeepney asubalit nagulungan naman ito ng kasunod na bus at tricycle.
Ayon kay Police Capt. Jun Ray Batadlan, hepe ng Bacolod City Police Office na ang nakabanggang motorsiklo ang may kasalanan sa nangyari.
Tinitingnan na rin ng pulisya kung may pananagutan ang mga driver ng bus at tricycle sa paggulong sa biktima na pare-parehong nag-hit and run.
Nanawagan si Batadlan sa mga driver ng motorsiklo, bus at tricycle na sumuko upang hindi na pabi-gatin pa ang kaso. VERLIN RUIZ
Comments are closed.