PINASINAYAAN ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kahapon ang dalawang bagong pumping stations sa Valenzuela City upang matugunan ang madalas na pagbaha sa mga lugar dito.
Ang dalawang proyekto ay itinayo sa Barangays Wawang at Coloong na ginugulan ng P1.02 billion at kabilang sa priority pro-jects sa ilalim ng feasibility study sa Valenzuela–Obando–Meycauayan (VOM) Area and Drainage System Improvement Project.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang nasabing mga proyekto ay makatutulong para mapababa o matuyo ang pagbaha sa malalaking lugar sa
Valenzuela City hanggang Meycauayan River, at maiwasan ang pinsala ng madalas na pagbaha sa lugar na matagal nang nararanasan ng mga residente.
Ikinabit sa pumping stations ang primary at secondary trash rakes na siyang haharang sa mga basura sa pagpasok sa pumps at mapapanatili na malinis ang ilog.
Taglay ng proyekto ang anim na submersible axial flow propeller pumps, apat na sets para sa Wawang Pulo at dalawa sa Coloong, na may capacity ang bawat isa na 3.5 cubic meters.
Mayroon din itong generator sets, flood gates, conveyors, stop logs, at gantry cranes, na nagtataglay ng 20,000-liter capacity diesel storage tank.
Dinaluhan din ang pagpapasinaya nina DPWH Unified Project Management Office — Flood Control Management Cluster project director Patrick Gatan, Senador Sherwin Gatchalian, Valenzuela Repre-sentative Wesley Gatchalian at Valenzuela City Mayor Rexlon Gatchalian.
Comments are closed.