DPWH DOBLE-KAYOD SA ‘BORA’ REHAB PROJECTS

BORACAY

TIWALA si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na magagawa nilang mabuksan at mapadaanan sa mga moto­rista ang Boracay Circumferential Road kasabay ng ‘soft opening’ ng pamosong isla sa Oktubre matapos itong sumailalim sa rehabilitasyon alinsunod sa direktiba ni ­Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Villar, buhat nang simulan ang rehabilitation program sa Boracay Island, may 82 araw na ang nakararaan, ay nakapagpadala ng karagdagang mga tauhan ang nasa 15 district engineering office at regional office ng DPWH sa Western Visayas para tumulong sa iba’t ibang proyekto na kanilang isinasagawa roon.

Ngayong nalalapit na ang ‘soft opening’ ng Boracay, sinabi ng kalihim na lalo pa silang nagdoble-kayod lalo’t hindi kaila na sa nakalipas na mga araw ay nagkaroon ng pagkaantala ang kanilang paggawa dahil sa naranasang mga pag-uulan.

“With only over a month left for Boracay soft opening, DPWH personnel and equipment are making up for the works that have been slowed down by incessant rain. Our maintenance crew had to endure 47 days of rainy weather since rehabilitation works started 82 days ago.” sabi pa ni Villar.

Sa kanyang ulat sa DPWH secretary, sinabi ni DPWH Region 6 Officer-In-Charge (OIC) Assistant Regional Director Engr. Jose Al Fruto na sa kasalukuyan ay nasa 1.13-kilometers ng one lane road ang natapos na at 2.91 kilometers ng high-density polyethylene (HDPE) drainage pipes ang nalatag na sa 4.1-kilometer Boracay Circumferential Road.

“We expect the delivery of some 628 pipes within the month as we target to complete the drainage component of Boracay Circumferential Road (Main Road) by the first week of October. Along the installation of pipes, the road concreting immediately follows,” dagdag ni Engr. Fruto.

Sinabi pa nito na ang ‘missing gap’ sa Boracay Circumferential Road sa bahagi ng Barangay Balabag ay minamadali na rin ang paggawa at tinatayang nasa 82 porsiyento nito ang natapos na, na kinabibilangan ng 265.5-linear meters paved road, 100 linear meters sidewalk sa magkabilang panig nito at mayroon din itong two lines ng drainage (pipe culverts).

Bukod sa road improvement/rehabilitation project, bahagi ng responsibilidad ng DPWH sa massing rehabilitation ng isla ang clearing ng road right-of-way, partikular ang  obstructions sa main road ng Boracay, paglalaan ng pondo para sa relocation ng electric distribution poles at lines, kasama na ang koordinasyon sa telecommunication at water utility providers para mapabilis ang road improvement works doon. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.