INIANUNSIYO ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagbubukas ng Aringay-Tubao Alternate Road at Anduyan Bridge sa mga lalawigan ng La Union.
“Ang pagbubukas ng proyektong ito ay magpapabilis sa pagbibiyahe ng mga motoristang patungo sa Benguet at Baguio City,” pahayag ni Public Works Secretary Mark Villar.
Ang Aringay-Tubao Alternate Road ay 14.24-kilometer road section sa Aringay-Tubao, La Union na magpapadali sa pagbiyahe tungo sa AsinHotspring sa Tuba, Benguet at Baguio City.
“This alternate route will lessen travel time from Tuba, La Union to Benguet from 2 hours to 35 minutes and will cut travel time from 2 hours to just 1 hour going to Baguio City,” dagdag ni Villar.
“Ang kagandahan umano sa tulay na ito ay hindi na kailangan magbalsa ng ating mga kababayan. Kung dati-rati ay kailangan pa nilang mag balsa upang makatawid lang sa Aringay River, ngayon ay mayroon na silang kalsada na maaaring gamitin sa araw-araw nilang gawain,” ayon pa sa kalihim.
Ang konstruksiyon ng Anduyan Bridge ay nilagyan ng 12 spans at 30-meter Prestressed Concrete Girder (PSCG) na may total length na 360 line-al meter.
“Maiibsan din nito ang trapik sa Marcos Highway, lalo na ngayon na sarado at prone pa rin sa landslides ang Kennon Road. ‘Yung mga kababayan natin na balak magbakasyon sa Baguio ay maaari nang dumaan dito.” pagtatapos ni Villar.
Comments are closed.