DPWH NAKAHANDA SA PAG-ALBURUTO NG BULKANG MAYON

ALBAY- NAKAHANDA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga hakbang at response action plan sakaling tumaas ang alert level status ng Bulkang Mayon sa lalawigang ito.

Sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan, ang Quick Response Assets ay binubuo sa 340 indibidwal na may 30 kagamitan ang naka-standby para sa anumang kaganapan.

Tulad ng lahat ng mga emergency at kalamidad, ang DPWH Quick Response Teams ang susubaybay sa katayuan ng mga pambansang kalsada at tulay at tiyakin ang access sa mga kalsada para sa walang sagabal na paghahatid ng mga kalakal at serbisyo pati na rin ang mga operasyon sa pagtugon.

Tinukoy din ng DPWH Regional Office 5 ang mga alternatibong ruta kung lumala ang sitwasyon o kung sakaling kailanganin ng ilang seksyon ng kalsada ang pagsasara para sa kaligtasan.

Inatasan din ni Bonoan ang DPWH Regional Office 5 at ang mga DEO nito na mahigpit na makipag-ugnayan sa local government units (LGUs) at tumulong kung kinakailangan.
PAULA ANTOLIN