LAGUNA- NAGING matagumpay ang ginawang pakikiisa ng Department of Public Works and Highways Region 4a sa 18 araw na obserbasyon ng kampanya laban sa pagmamalupit sa mga kababaihan base sa temang “United for a free VAW Philippines.”
Pinangunahan ito ni DPWH Region 4a Director Jovel G.Mendoza katuwang ang lahat ng Calabarzon District Engineers, ARD, department heads at mga kawani ng naturang rehiyon.
Ang tema ng aktibidad ngayon taon ay tumutugon sa programa ng pamahalaan na wakasan ang anumang uri ng karahasan sa mga kababaihan lalo’t higit sa tema ng pisikal, emosyonal, pinansiyal at mental.
Ayon kay Mendoza, ang kanyang tanggapan ay 24/7 na tinututukan sa hanay ng mga empleyadong kababaihan ang tamang paggalang, pagbibigay proteksiyon at pagkakaloob ng karapatan sa lahat ng makapagpapalago ng kanilang pagkatao.
Gayundin, patuloy na tututok sa programa ng pamahalaan alinsunod sa R.A 9262 o ang pagbibigay proteksiyon sa mga kababaihan at kabataan.
Nagwakas ang 18- day campaign tungkol sa naturang programa ng DPWH Region 4A sa pamamagitan ng isang photo-ops ng lahat ng empleyadong kababaihan bilang pagpapakita ng pakikiisa sa pamahalaan. ARMAN CAMBE