MATAPOS ang pananalasa ng Bagyong ‘Kristine’ mas pinabilis ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang operasyon na ibalik ang kaligtasan at maayos na transportasyon sa mga apektadong lugar.
Ang Disaster and Incident Management Teams (DIMT) mula sa mga Regional at District Engineering Offices ay agarang ipinakalat upang tugunan ang pinsala ng bagyo sa mga impraestruktura.
Simula alas 6:00 ng umaga nitong Oktubre 26, nag-deploy na ang ahensya ng 9,005 tauhan at 2,048 yunit ng heavy equipment sa pamamagitan ng Quick Response Assets (QRA).
Nag-iwan ng pinsala ang bagyo sa 93 seksyon ng kalsada sa buong bansa.
Muling binuksan ng DPWH ang 68 na seksyon habang 25 pa ang nananatiling hindi madaanan dahil sa matinding kondisyon tulad ng pagbaha, landslide, pagbagsak ng mga bato at pagkasira ng mga tulay.
Narito ang mga saradong kalsada bawat Rehiyon:
• Cordillera Administrative Region (CAR): Four (4) sections are closed due to soil collapse, fallen trees, rockslides, landslides, and mudflow.
• Region II: Two (2) sections are closed due to flooding.
• Region IV-A: Five (5) sections are closed due to road and bridge collapses, mudslides, and flooding; seven (7) additional sections have limited access.
• Region IV-B: One (1) section is closed due to landslide.
• Region V: Twelve (12) sections are closed due to flooding, landslides, and road collapse; ten (10) sections with limited access.
• Region VII: One (1) section is closed due to road slip.
Upang mapanatili ang kaligtasan ng mga motorista, nilagyan na ng mga babalang karatula sa mga kalsadang may limitadong daanan.
“Our teams are working around the clock to restore safe and accessible roadways, understanding that these are vital lifelines for communities impacted by the storm. By doing so, we aim to facilitate the efficient delivery of relief supplies, medical assistance, and other essential services to affected areas, supporting efforts to rebuild and recover from this crisis” sabi ni Secretary Manuel M. Bonoan.
Bukod sa pag-aalis ng mga sagabal sa kalsada, nakatutok din ang DPWH sa paglilinis at pag-declog ng mga drainage system upang maiwasan ang patuloy na pagbaha.
RUBEN FUENTES