DQ KAY QUIBOLOY IBINASURA NG COMELEC

IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) ang petis­yon na humihiling na i-disqualify na si Pastor Apollo Quiboloy sa pagtakbo sa 2025 election.

Hindi nakumbinsi ang Comelec First Division ng petitioner kung bakit maituturing na nuisance candidate ang nakapiit na si Quiboloy.

Nakasaad sa petition na inihain ni labor leader Sonny Matula, na dahil sa material misrepresentation kaya dapat i-disqualify si Quiboloy.

Walang basehan ang nominasyon ni Quiboloy ng Workers’ and Peasant Party (WPP) na pirmado ng isang Mark Tolentino ang nomination of acceptance.

Hindi umano opis­yal o miyembro ng WPP si Tolentino kaya marapat na ito ay ibasura na.

Dagdag pa ng Comelec na ang pagsumite ng hindi otorisadong CONA ay hindi maaaring maging material misrepresentation.

RUBEN F