DQ NI BBM, TINUTUGUNAN NG LEGAL TEAM

TINIYAK ni Atty. Victor Rodriguez, Chief of Staff at spokesperson ni Presidential aspirant Bongbong Marcos, Jr. na lahat ng petisyon na inihain sa Comelec na naglalayong madiskuwalipika si Bongbong Marcos sa pagtakbo sa pagkapangulo, o makansela ang kanyang Certificate of Candidacy, ay tinutugunan na ng kanilang legal team.

Sinabi ni Rodriguez na habang naninindigan kami na ang mga petisyon na ito ay mga pang-aabalang kaso lamang, hinihikayat nila ang mga tao na nasa likod ng kalunos-lunos na mga pagtatangkang makapang-diskaril, na kung maaari lang ay respetuhin naman sana ang mga mamamayang Pilipino at ang kanilang demokratikong karapatan na makapag-desisyon para sa kanilang sarili at kinabukasan.

“Hiling namin sa kanila na huwag namang ipagkait ang karapatan ng mga tao na malayang makapamili ng kanilang lider at nawa’y itigil na ang pang-mamata o tahasang pang-iinsulto sa talino ng mga Pilipino. Naipapanalo ang halalan sa araw ng eleksiyon at hindi sa pagsasampa ng mga walang katuturan na mga petisyon,” dagdag pa ni Rodriguez.