LUSOT na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang draft ng Federal Constitution.
Sa Viva Voce voting ay pumasa sa plenaryo ang Resolution of Both Houses 15 na naglalayong palitan ang kasalukuyang 1987 Constitution.
Sa ilalim nito ay mananatili ang Presidential form ng pamahalaan.
Magiging apat na taon na ang isang termino ng mga halal na opisyal kabilang ang kongresista, senador, pangalawang pangulo at presidente at kinakailangang college graduate ang mga ito.
Ang Pangulo ay maaring muling iboto sa ikalawang termino habang aalisin naman ang term-limit ng iba pang opisyal.
Ang runningmate naman ng mananalong Pangulo ang awtomatikong magiging bise Presidente.
Gagawin din sa ilalim ng bagong Saligang Batas na two-party system na lamang sa bansa.
Ang Kongreso naman ang magpapasya sa pagbuo ng Federal States at hindi naman bababa sa 300 ang magiging kinatawan ng Mababang Kapulungan. CONDE BATAC
Comments are closed.