DRAFT REQUIREMENTS LULUWAGAN NG PBA

Willie Marcial

IREREKOMENDA ni PBA commissioner Willie Marcial na luwagan ng liga ang draft requirements nito makaraang kanselahin ang D-League season dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang incoming PBA rookies ay karaniwang pinaglalaro ng hindi bababa sa pitong games sa isang D-League conference, kung saan ang Fil-foreign players ay kinakailangang maglaro ng hindi bababa sa pitong games sa dalawang conferences.

Gayunman, dahil sa global health crisis ay nakansela ang Aspirants’ Cup sa kaagahan ng taon, at walang katiyakan kung kailan magpapatuloy ang D-League games dahil ang amateur sports events ay nananatiling ipinagbabawal sa ilalim ng kasalukuyang quarantine rules.

“Sasabihin ko sa mga governors, wala nang requirements ang D-League muna, kasi hindi nakapag-D-League,” wika ni Marcial.

“So ‘pag hindi ka nakapag-D-League, puwede ka nang dumiretso sa draft, depende sa edad mo,” dagdag pa ng commissioner.

Ang incoming rookies ay kinakailangang 21 years old sa araw ng draft.

Ang draft na karaniwang unang aktibidad ng bagong season ay pansamantalang nakatakda sa Disyembre o Enero.

Comments are closed.