DRAG QUEEN SA ‘AMA NAMIN” KINASUHAN

MAGKAKAHIWALAY na nagsampa ng kaso ang tatlong namumuno sa koalisyon ng Christian church laban sa tinaguriang drag queen na inakusahan ng paglapastangan sa awiting “Ama Namin.”

Paglabag sa RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 ang ikinaso laban kay Fernando Pagente, alyas Pura Luka Vega, na inihain ng Philippine for Jesus Movement.

Iisa ang reklamo nina PJM President Bishop Alconga, Pastors Ronnie Suela at Mars Rodriguez laban kay Pajente at anila kinakatawan nila ang kani-kanilang simbahan.

Ayon sa Christian leaders, hindi nila nagustuhan ang ginawa ni Pagente sa isang bar kung saan nagsuot siya ng damit ng Nazareno sabay awit ng ginawang bersyon sa Ama Namin saka pangiti nguti pa.

Sinabi nila na si Hesu Kristo ay hindi lamang Diyos ng mga Katoliko kundi maging ng mga born-again Christians.
Naging viral ang video ng ginawa ni Pagente na umani ng batikos ng netizen at ng Simbahang Katoliko.