BONGGA itong si Elliud Poligrates ng Marinerong Pilipino na nagtala ng record sa PBA D-League na 67 points. Nalagpasan niya ang record ni James Martines na 58 points. Si Poligrates ay may 11 3 points. Kaya mga PBA team, puwedeng-puwede pa si si Eloy para muling maglaro sa professional league. Ngunit sa kasalukuyan, ang pinagtutuunan niya ng pansin ay ang makapasok sa finals ang kanilang team. Tinalo ng Marinero ang I Walk ni coach Jonas Villanueva.
Speaking of I Walk, dumating si Alaska player Chris Banchero para suportahan ang team. Katunayan, nagkaroon ng meet and greet ang player sa fans nito. Napansin din namin na dumating si Vic Manuel. Sayang nga lang at natalo ang I Walk, nakaupo pa naman sa bench ng team si Banchero. Sa Sept. 5 muli ang laro ng I Walk at ang makakaharap nila ay ang team ni coach Alvin Grey, ang Asia’s Lashes Tomas Morato.
Paalis na bukas ang national team natin na Gilas Pilipinas patungong China para sa FIBA World Cup. Ang Gilas team ay binubuo nina Gabe Norwood, RR Pogoy, Paul Lee, Jun Mar Fajardo, Troy Rosario, Japeth Aguilar, Robert Bolick, CJ Perez, Kiefer Ravena, Andrei Blatche, Beau Belga, at Mark Barroca. Sasabak agad ang team laban sa Italy. Siyempre head coach si Yeng Guiao. Good luck!
Nakasalalay ngayon sa ating mga opisyal kung mapapabilang bilang ‘demo sport’ ang dragon boat sa 2020 Tokyo Olympic Games. Itinakda ang isang pagpupulong para sa mga kinatawan ng Canoe Kayak Olympic Test Event, kabilang ang Filipinas, sa Setyembre 12-15 sa Tokyo, Japan.
Itinalaga si canoe and dragon boat head coach Len Escollante bilang technical official sa Olympic Test Event.
Sinabi ni Escollante na posibleng matuldukan na ng International Canoe Federation (ICF), sa kanilang final na desisyon sa Tokyo, ang pag-entra ng dragon boat sa 2020 Olympics at maging ang iba pang mga detalye sa mga event na sasagwan kada apat na taon. Ang dragon boat event na posibleng mapasama sa Tokyo summer games ay ang 500 meters small boat at ten seater mixed event. Ang Filipinas ang isa sa may pinaka-mahusay na dragon boat team na tinitiyak na makapagbibigay ng pinakamimithi at mailap na ginto sa Olympics.
Kung matatandaan, nakapag-uwi si Pinay bowler Arianne Cerdena ng gintong medalya sa women’s single competition na nilarp bilang demo sport sa bowling noong 1998 Seoul Olympic Games. Gayundin si Willy Wang sa wushu na nagsukbit ng gold, 20 years ago, sa 2008 Beijing Olympic Games sa China.
Comments are closed.