DRAGON BOAT PASOK SA ASIAD

dragon boat

SA PAGKAKASAMA ng dragon boat sa Asian Games ay lumakas ang tsansa ng Filipinas na magwagi ng medalyang ginto sa quadrennial meet dahil ang Pinoy paddlers ay kinikilala at laging nananalo sa overseas tournaments sa Russia, Canada, China, Poland, Chinese Taipei, Thailand at Malaysia.

Kamakailan ay nagwagi ang mga Pinoy paddler sa Penang Invitational International Dragon Boat sa Malaysia na nilahukan ng mahigit 40 mga bansa at sa Asia Club Dragon Boat sa Palawan.

Maraming sports leaders ang nagalak na kasama na ang dragon boat sa Asiad, isa na rito si PSC Commissioner Dr. Celia Kiram, na nagsabing lumakas ang tsansa ng bansa na masungkit ang mailap na medalyang ginto dahil world class ang credentials ng mga Pinoy sa dragon boat.

“Our gold medal campaign in the Asian Games will be brighter with the inclusion of dragon boat. Our paddlers are certified achiever in this sport,” sabi ni Kiram matapos ang board meeting kung saan masusing tinalakay ang partisipasyon ng Pinas sa quadrennial meet.

“Filipinos are indisputably one of the best paddlers in the world. They demonstrated their winning skills in numerous overseas competitions. Hopefully, they will showcase their prowess in Indonesia,” wika ni Kiram.

Sa matiyagang pagla-lobby ng mga sports official, kasama si Philippine Dragon Boat/Canoe Kayak president Jonne Go, nakumbinsi ang Olympic Council of Asia na isama ang dragon boat sa Asian Games.

Maging si PSC Com. Charles Raymond Maxey naniniwalang malaki ang tsansa ng mga Pinoy paddler na masungkit ang mailap na ginto.

“I am pretty optimistic our paddlers have good chances to snatch the elusive medal,” sambit Maxey.

Isang ginto lamang ang nakuha ng Pinas na bigay ni US-based Daniel Patrick Caluag sa BMX sa nakaraang Asian Games na ginawa sa Incheon, South Korea.

Sa masusing gabay ni coach Len Escollante, makikipagsabayan ang mga Pinoy sa pagsagwan sa mga kalaban tampok ang limang events.

Ang mabigat na kalaban ng Pinas ay ang China, Chinese Taipei, Japan, Korea at Thailand.

“Kaya natin basta solido ang laro,” pahayag ni Escollante.

“They are our tough rivals. I am confident they can handle the pressure like they did in past tournaments,” sabi pa ni Escollante.

Nagsanay ang mga Pinoy ng isang buwan sa Paoay, Ilocos Norte bilang final tune up bago sumabak sa Asian Games na aarangkada sa Agosto 18 hanggang ­Setyembre 2 sa Indonesia. CLYDE MARIANO

 

 

Comments are closed.