LALARUIN ang dragon boat bilang demonstration sport sa 2020 Tokyo Olympics.
Ito ang ipinabatid ni Philippine Dragon Bot/Canoe Kayak president Jonne Go sa kanyang pagdating mula sa Hong Kong.
“Leaders in dragon headed by Asian Dragon Boat Association president Toshiko Narita moved heaven and earth to convince the organizers to include the sport in the 2020 Olympics,” wika ni Go.
Si Go, auditor ng Philippine Olympic Committee, ay chairperson ng Asian Dragon Boat Association at kaibigan ni Narita.
Ayon kay Go, magkakaroon ng pagkakataon ang mga Pinoy na ipakita ang kanilang galing tulad ng ginawa nila sa maraming international competitions na idinaos sa Russia, Canada, Chinese Taipei, Poland at Palawan kung saan nag-uwi sila ng karangalan.
Kamakailan ay nanalo ang mga Pinoy ng tatlong ginto sa torneo na ginanap sa Russia at inulit nila ito sa Palawan.
“Filipinos ranked among the best paddlers in the world with their string of successes. They will have the chance to showcase their international credentials in the Olympic Games,” sabi pa ni Go.
Kamakailan ay nagpulong ang matataas na lider ng dragon boat sa Canada at tinalakay ang mahahalagang bagay kasama ang 2020 Tokyo Olympic Games.
May kabuuang 138 bansa, kasama ang 43 sa Asia, ang kasapi sa Europe-based International Dragon Boat Federation. CLYDE MARIANO
Comments are closed.