Mga laro bukas:
(Philsports Arena)
3 p.m. – Magnolia vs Ginebra
5:45 p.m. – San Miguel vs Bay Area
SUMANDAL ang Bay Area Dragons sa fast break layup ni Kobey Lam sa huling 7.1 segundo upang maungusan ang San Miguel Beermen, 103-102, via come-from-behind sa Game 1 ng kanilang best-of-five PBA Commissioner’s Cup semifinals series kahapon sa Philsports Arena sa Pasig.
Nagawa ni Lam ang game winning layup matapos sumablay ang tres ni Jericho Cruz at napanatili ang dominasyon ng Hong Kong-based team sa Beermen na tinalo nila sa eliminations,113-87.
Napakasaklap ng pagkatalo ng SMB na lumamang ng 16 points.
Sumablay ang jumper ni Devon Scott sa huling possession ng Beermen na nagselyo sa panalo ng Dragons at kinuha ang 1-0 lead para palakasin ang kanilang title campaign sa una nilang paglahok sa PBA bilang guest team.
Ang SMB ay muling ginabayan ni assistant coach Jorge Galent, na kinuha ang coaching job kay head coach Leo Austria dahil sa health and safety protocol.
Ang akala ng mga nanoood lalo na ng supporters ng SMB ay patungo na sa panalo ang Beermen matapos na lumamang sa 83-67sa third quarter.
Nanatiling hawak ng SMB ang bentahe, 100-96, sa baskets nina CJ Perez at June Mar Fajardo.
Nanguna para sa Bay Area si Andrew Nicholson na tumapos na may game highs na 30 points at 15 rebounds, siyam sa kanyang markers at pito sa kanyang caroms ay nagmula sa fourth period na nagbigay-daan para ma-outscore ng kanyang koponan ang SMB, 25-13.
Nag-ambag si Zhu Songwei ng 19 points at 7 assists.
Nagbida simCJ Perez para sa SMB na may 24 points, habang nagdagdag si Terrence Romeo mula sa bench ng 21 points.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Bay Area (103) – Nicholson 30, Zhu 19, Blankley 15, Ju 13, Lam 12, Yang 9, Liu 5, Song 0, Reid 0.
San Miguel (102) – Perez 24, Romeo 21, Lassiter 16, Cruz 11, Fajardo 11, Scott 9, Enciso 8, Ross 2, Brondial 0.
QS: 23-31, 51-59, 78-89, 103-102.