Mga laro sa Miyerkoles:
(Philsports Arena)
3 p.m. – Meralco vs Phoenix
5:45 p.m. – TNT vs NLEX
MATAPOS putulin ng Barangay Ginebra ang kanilang four-game winning run, bumawi ang guest team Bay Area at pinataob ang less-June Mar Fajardo defending champion San Miguel Beer, 113-87, sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Galit sa pagkatalo sa Kings, pinagbuntungan ng Dragons ang Beermen at itinarak ang lopsided na panalo para sa 5-1 record at manatili sa ikalawang puwesto sa likuran ng undefeated leader Magnolia (3-0).
Maagang kinontrol ng Bay Area ang laro at lumamang ng 30 points, 86-56, tungo sa blowout na panalo.
Gumawa si Andrew Nicholson ng double-double 39 points sa perfect 8 of 8 from the line, at 12 rebounds, 4 assists at 2 blocked shots upang tanghaling ‘best player of the game’.
Hindi naglaro si Fajardo at nakatakdang operahan upang ayusij ang misaligned cartilage sa kanyang larynx na natamo sa laro laban sa Rain or Shine kung saan nanalo ang SMB, 113-105.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Bay Area (113) – Nicholson 39, Blankley 17, Zhu 16, Lam 16, Liu 12, Reid 6, Song 3, Ju 2, Ewing 2, Zheng 0, Yang 0, Si 0, Liang 0.
San Miguel (87) – Perez 19, Manuel 15, Stone 11, Enciso 9, Tautuaa 9, Cruz 8, Lassiter 7, Brondial 4, Zamar 3, Ross 2, Herndon 0, Canete 0.
QS: 28-17, 58-40, 86-58, 113-87.