DRAGONS RATSADA SA IKA-3 PANALO

Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Rain or Shine vs Terrafirma
6:45 p.m. – Meralco vs Ginebra

WALA pa ring makapigil at tuloy ang pamamayagpag ng guest team Bay Area na sinungkit ang ikatlong sunod na panalo makaraang dispatsahin ang Phoenix, 101-91, sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bagama’t nakapagpahinga ng pitiong araw ay nahirapan ang Hong Kong-based team Dragons at sumandal sa opensiba sa fourth quarter upang kunin ang 3-0 record.

Rumatsada ang Dragons sa 17 unanswered points sa pangunguna ni scorihg machine Myles Powell.

Umiskor ang 6-foot-2, 25-year-old NBA veteran ng 30 points, 17 sa third canto.

Dikit ang laban at hindi makalayo ang Dragons, 42-41, nakipagsabayan ang Fuel Masters sa unang 24 minuto.

Kumalas ang Dragons at lumamang sa 74-59 mula sa 61-56 sa third period. Pinalobo ng Bay Area ang kalamangan sa 89-72.at hindi na lumingon tungo sa impresibong panalo.

Nanguna sina Javee Mocon (22) at Tyler Tio (21) para sa Fuel Masters, na hindi nasustina ang mainit na 29-16 simula at bumagsak sa 0-3.

Hindi nakatulong sa Kaleb Wesson at bigo ang 6-10, 23-year-old kababayan ni Los Angeles NBA superstar Lebron James sa Ohio, na dalhin sa panalo ang Phoenix sa lungkot nina coach Topex Robinson at team manager:Paolo Bugia.

CLYDE MARIANO

Iskor:
Bay Area (101) – Powell 32, Blankley 15, Yang 14, Reid 14, Zhu 8, Liu 8, Lam 6, Liang 4, Ju 0, Zheng 0.
Phoenix (91) – Mocon 22, Tio 21, Wesson 17, Jazul 10, Anthony 8, Lojera 6, Robles 4, Serrano 3, Adamos 0, Pascual 0, Garcia 0, Muyang 0, Rios 0, Lalalta 0, Camacho 0.
QS: 16-29, 42-41, 74-61, 101-91.