DRAGONS TULOY-TULOY ANG ENSAYO

WALANG pahinga si Andrew Nicholson at ang Bay Area Dragons sa kabila ng Holiday Season at ng one week break sa PBA Commissioner’s Cup finals.

Matapos ang dominanteng 99-82 panalo sa Game 2, ang Dragons ay kinailangan ng isang araw na pahinga para mag-relax at makarekober, ngunit agad na bumalik sa ensayo at naghanda para sa pagpapatuloy ng best-of-seven title series sa Jan. 4 sa Mall of Asia Arena.

“We’ll just keep the momentum and we’ll just continue to practice,” sabi ni 33-year-old Nicholson nang tanungin kung ano ang gagawin ng koponan sa New Year break.

“The series is not over yet. Five more games in the series left, and we’ll see what happens.”

Ang NBA veteran ay nagpasabog ng 30 points, 15 rebounds, at bumuslo ng 3-of-6 mula sa arc upang tulungan ang Dragons na maitabla ang series sa 1-1.

Ang 17-point win ang una ring panalo ng Bay Area sa tatlong laro kontra Ginebra mula pa sa eliminations.

Sa kasalukuyan, ang unang dalawang laro ay kapwa matindi at pisikal, subalit ayon kay Nicholson ay hindi dapat maging sanhi ng pagkagambala para sa guest team mula sa Hong Kong.

“It is what it is. You get what you get, and we’re not really focus too much on that,” anang 6-foot-10 import.

“We’re just focus on the game plan, and translate what we’re doing in practice into the game.”

CLYDE MARIANO