DRAGONS TUMABLA SA KINGS

Mga laro sa Linggo:
(Mall of Asia)
5:45 p.m. – Ginebra vs Bay Area

NAITABLA ng Bay Area, naglaro na wala si import Andrew Nicholson, ang PBA Commissioner’s Cup Finals series makaraang pataubin ang Barangay Ginebra, 94-86, sa Game 4 sa harap ng mahigit 17,000 crowd nitong Biyernes sa Mall of Asia Arena.

Si Nicholson ay hindi nakapaglaro makaraang magtamo ng left ankle injury sa Game 3 ng finals noong Miyerkoles.

Wala ang kanilang import, nag-init si Kobey Lam mula sa deep na may walong triples at nakalikom ng 30 points at 9 rebounds, habang umiskor sina Glen Yang at Songwei Zhu ng tig-18 points.

Sumandal ang Dragons sa malakas na second half kung saan na-outscore nila ang Ginebra, 22-15, sa third period at nabawi ang kalamangan sa 60-58, bago isinara ng tres ni Stanley Pringle ang nasabing frame na abante sila sa 61-60.

Gayunman, nalipat ang momentum sa Dragons kung saan kinuha nila ang 13 puntos na kalamangan, 89-76, may 3:20 ang nalalabi sa final period bago kinuha ang panalo.

Sa pagkatalo ay nasayang ang kinamadang triple-double na 23 points, 13 rebounds, at 11 assists na may 4 steals at 1 block ni newly crowned three-time Best Import Justin Brownlee.

Nagbuhos si Best Player of the Conference Scottie Thompson ng 18 points, 6 dimes, at 5 boards, habang umiskor sinJapeth Aguilar ng 12 sa perfect 8-of-8 clip mula sa free throw line.

Maaaring kunin ng Bay Area ang krusyal na 3-2 lead sa best-of-seven series sa isa pang panalo sa Linggo, Enero 8, alas-5:45 ng hapon, sa parehong venue.

CLYDE MARIANO

Iskor:
Bay Area (94) – Lam 30, Yang 18, Zhu 18, Liu 8, Reid 8, Blankley 7, Song 3, Zheng 2, Ewing 0, Ju 0.
Ginebra (86) – Brownlee 23, Thompson 18, J. Aguilar 12, Tenorio 11, Pringle 9, Standhardinger 8, Malonzo 5, Mariano 0, Gray 0, Pinto 0.
QS: 19-19, 38-46, 60-61, 94-86.