DRAYBER NA ‘DI MAGBIBIGAY NG DISCOUNT SA SENIOR, STUDES BINALAAN

Tim-Orbos

MAGSASAGAWA  ngayong araw ang Inter-Agency Council for Traffic (IACT) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng simultaneous operations sa mga public utility vehicles (PUVs) sa ilang mga lugar upang tiyakin na naipatutupad ang pagbibigay ng  discount sa mga senior citizen, may kapansanan at mga estudyante.

Aasistihan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang gagawing operas­yon  ng I-ACT at MMDA kontra sa PUVs na hindi sinusunod ang pagbibigay ng  discount sa mga senior citizen, may mga kapansanan at estudyante.

Sinabi ni Department of Transportation Undersecretary and IACT overall head Tim Orbos,  ang pagbibigay ng 20 percent discount sa mga ito ay itinatakda ng batas kaya dapat sumunod ang mga drayber dito.

Nabatid na ang lahat ng pampublikong behikulo  ay obligadong magbigay ng diskuwento sa mga nabanggit.

“I appeal to our drivers to honor the all-year round 20% discount for students, PWDs, and senior citizens,” ani  Orbos.

Kapag  hindi  sumunod sa batas na ito ang mga  drayber ay huhulihin at pagmumultahin.

“Refusing to grant such discount would cause more trouble because violators will be subjected to stricter penalties depending on the number of times the offense was committed,” dagdag pa ni Orbos.

Ang unang paglabag ay may multang P5,000, sa ikalawang paglabag ay P10,000 at i-impound ang sasakyan sa loob ng 30 araw at sa ikatlong paglabag ay multang P15,000 at kanselasyon ng prangkisa.

Hinimok pa ang mga senior citizen, may kapansanan at mga estudyante na magsampa ng reklamo kontra sa mga drayber na hindi nagbibigay ng discount. MARIVIC FERNANDEZ

6 thoughts on “DRAYBER NA ‘DI MAGBIBIGAY NG DISCOUNT SA SENIOR, STUDES BINALAAN”

  1. I like the helpful information you provide in your articles. I will bookmark your weblog and check again here frequently. I am quite certain I will learn plenty of new stuff right here! Good luck for the next!

  2. There are very a lot of details this way to consider. Which is a wonderful denote bring up. I provide you with the thoughts above as general inspiration but clearly there are actually questions like the one you talk about the location where the most essential thing might be doing work in honest great faith. I don?t know if best practices have emerged around things like that, but More than likely that your chosen job is clearly referred to as a reasonable game. Both little ones notice the impact of just a moment’s pleasure, for the rest of their lives.

  3. 896635 365524Id must talk to you here. Which is not some thing Which i do! I like reading an post that can make people believe. Also, thank you for permitting me to comment! 33329

Comments are closed.