DRAYBER NG KANDIDATO SA BULACAN ITINUMBA

ISANG  drayber ng kandidato sa bayan ng Pandi, Bulacan ang binaril at napatay ng isang riding in tandem nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ni Col. Manuel Lukban Jr., OIC police director ng Bulacan, ang biktima na si Samuel Tabor Jr., residente ng Barangay Bagong Barrio sa nasabing bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagwawalis ang biktima sa harapan ng kanilang bahay bandang 4:40 ng hapon ng dumating ang mga suspek lulan ng isang kulay abuhin na XRM na motorsiklo.

Bumaba ang isa sa mga suspek at nilapitan ang biktima at binaril sa ulo ito at pagkatapos ay mabilis na tumakas ang mga suspek

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.

Malamang na love triangle ang motibo sa pamamaslang at hindi politically motivated, nataon lamang na tauhan ang biktima ng isang kandidato, dagdag pa ni Lukban. ANDY DE GUZMAN