PALAWAN-DALAWAMPU’T WALONG pasahero at crew ang naisalba nang lumubog ang isang diving yacht sa katubigan ng Tubbataha.
Habang nagpapatuloy ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa apat pang nawawala.
Kabilang naman sa 28 na nailigtas ay apat na Chinese tourists.
Sa initial report, ang missing ay pawang Filipino, isang dive master, umano’y owner ng yacth at dalawa pang pasahero.
Base sa report sa ibinahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) Command Center mula sa Coast Guard District Palawan, alas-6:49 ng umaga nang matanggap nila ang report hinggil sa lumubog ang M/Y “Dream Keeper”.
Sinasabing nasa 32 ang sakay ng nasabing yate kung saan 15 ang crew, 12 ang pasahero at lima ang kasama nilang dive masters.
Nabatid na ang dive yatcht ay umalis sa San Remegio, Cebu City nuong April 27, 2023 at dumating sa Tubbataha Reef bandang alas-10:00 ng gabi.
Agad na idineploy ng PCG sa lugar ang kanilang barko na BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) para magsagawa ng search and rescue operations.
Maging ang Coast Guard Substation Tubbataha ay tumulong na rin sa search and rescue operations katuwang ang ibang dive boats sa lugar.
VERLIN RUIZ