PINAGPAPALIWANAG ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senate Minority Leader Franklin Drilon kaugnay sa ugnayan nito sa negosyanteng nakapiit na si Janet Lim-Napoles na utak ng multi-milyong pork barrel scam.
Nais din ng Pangulo na magpaliwanag si Drilon sa ugnayan nito kina dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog at retired police general Marcelo Garbo Jr., na kapwa dawit sa ilegal na droga.
Sinabi ng Pangulo, dahil nais din lang naman ni Drilon na
pag-usapan ang isyu ng korupsiyon, mas makabubuting maliwanagan na rin ang taumbayan kung paano ginagastos ang pera ng bayan.
Tanong ng Pangulo, paano napunta si Drilon sa Heritage Park sa Taguig at nakipag-party-party kay Napoles. Iyon daw ba ay perfect coincidence o nagkataon lamang.
Sinabi pa ng Pangulo, kung totoong 10 beses lamang niyang nakasama si Napoles, paanong mistulang close si Drilon sa mastermind ng pork barrel scam.
Tanong pa niya kay Drilon kung totoong nagbigay si Napoles ng P5 milyon sa kampanya.
Ayon sa Pangulo, dahil idideklara ni Drilon ang kanyang sarili bilang anti-corruption czar, mas makabubuting magpaliwanag na rin ito sa ugnayan kina Mabilog at Garbo.
Tinanong pa ng Pangulo kay Drilon kung sino ang may-ari ng pinakamalaking mall sa Iloilo City at kung sino ang nag-broker sa pagbebenta ng Old Iloilo City Airport sa Megaworld.
706554 757973Hello super schner Webblog den ihr da habt. Bin gerade ber die Google Suche darber gestolpert. Gefllt mir echt super gut. macht weiter so. MFG Martina 672614