DRINKING SPREE NG MAG-ANAK NAUWI SA PAMAMARIL,1 PATAY

LAGUNA – KASONG murder ang isinampang kaso ng pulisya laban sa tumakas na suspek na responsable sa pamamaril sa kanyang kaanak sa Brgy. Sto. Niño, lungsod ng San Pablo.

Kinilala ni San Pablo City Chief of Police PLt. Col. Garry Alegre ang biktimang si Sherwin Montila Llanera, residente ng nasabing lugar.

Samantala, patuloy na tinutugis ng mga tauhan ni Alegre ang tumakas na si RJ Cataquiz Llanera na responsable sa naganap na pamamaril.

Sa imbestigasyon, dakong alas-12:30 nakaraang Lunes ng madaling araw ng maganap ang insidente.

Nag-iinuman ang suspek at biktima sa lugar nang hindi inaasahang mauwi sa mainitang pagtatalo sa hindi pa mabatid na dahilan.

Dahil dito, agarang nagbunot ng baril ang suspek at malapitan nitong pinagbabaril ang kanyang kaanak bago mabilisang tumakas.

Sa kabila ng naisugod pa ng kanyang pamilya sa pagamutan ang biktima kung saan binawian din ito ng buhay bunsod ng tinamong tama ng bala sa kanyang katawan.

Kaugnay nito, nananatili umanong tikom ang mga bibig ng pamilya ng biktima ayon kay Alegre subalit patuloy na magsasagawa ang pulisya ng malalimang imbestigasyon sa kaso. DICK GARAY

61 thoughts on “DRINKING SPREE NG MAG-ANAK NAUWI SA PAMAMARIL,1 PATAY”

  1. safe and effective drugs are available. Best and news about drug.
    cialis canadian
    Definitive journal of drugs and therapeutics. Prescription Drug Information, Interactions & Side.

Comments are closed.