MARIING ipinaalala ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Dionardo Carlos na bawala ang inuman ng nakalalasing sa mga himpilan gayundi sa mga kampo.
Ang paalala ay ginawa ni Carlos kasunod ng nangyaring insidente ng pambubugbog ni P/Col. Donluan Dinamling Jr. ng PNP AVSEGROUP 5 kay P/MSgt Ricky Brabante noong Nobyembre 13 ng madaling araw.
Dumalo si Dumanling sa birthday salu-salo ng kaniyang mistah sa PNPA na si P/Col. Clarence Gomeyac ng RMFB sa Camp Simeon Ola sa Legazpi City sa Albay kung saan nangyari ang pambubugbog kay Brabante.
Ang pananakit ay nagresulta ng pagkabulag ni Brabante.
Bunsod ng insidente, sinibak sa puwesto ang magkaklaseng sina Gomeyac at Dinamling at kapwa nahaharap ngayon sa mga kasong administratibo.
Pagbibigay-diin ni Carlos, matagal nang ipinagbabawal sa loob ng mga kampo ang pag-iinuman, na lalo pang pinaigting ng inilunsad na Intensified Cleanliness Polic ng PNP. EUNICE CELARIO