DRIVE THRU VACCINATION SA MAYNILA ISASARA NA

NAGPASYA ang pamahalaang lungsod ng Maynila na isara na ang Drive-thru vaccination at swab testing na ginagawa sa Quirino Grandsrand simula sa Hunyo 7.

Nabatid sa punong lungsod na hanggang Hunyo 6 na lamang tatanggap ng mga magpapa bakuna at swab test ang Drive-thru vaccination center ng siyudad.

Ito ay dahil paunti na nang paunti ang mga motorista na nagpupunta sa drive thru sites partikular sa may grandstand sa Rizal Park para mag-avail ng libreng bakuna at swab test na inialok ng lokal na pamahalaan ng Maynila

Kaya’t nagpasya si Manila Mayor Isko Moreno na ihinto na muna ang serbisyo.

Subalit, patuloy pa rin ang pagbibigay ng mga bakuna at libreng swab test sa mga vaccination site sa 6 na pinatatakbong hospital ng lungsod. VERLIN RUIZ