DRIVER COP PINARANGALAN SA 63rd PNP LSS FOUNDING ANNIVERSARY

CAMP CRAME-SUMENTRO sa pagbibigay ng parangal sa mga ulirang tauhan ang selebrasyon ng ika-63 anibersaryo ng Philippine National Police-Logistics Suppot Service (PNP-LSS) nitong Mayo 18 sa Multi-Purpose Center sa Camp Crame, Quezon City.

Kabilang sa pinarangalan ang driver cop na si MSg Eduardo R. Singueo na tinawag na Driver of the Year, dahil naging masigasig ito sa pagtugon sa tungkulin kahit pa pandemya.

Ang iba pang pinarangalan ay sina PEMS Theseus Laus at PSSG Gerald Quindipan na tinanghal bilang Junior PNCO of the Year.

Guest speaker sa nasabing okasyon si PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar at kasama niya ang PNP top ranking officers na sina Lt Gen. Joselito Vera Cruz, The Deputy Chief for Administration at Lt. Gen. Dionardo Carlos, The Chief for Directorial Staff.

Ang Tema ng LSS anniversary ngayong taon ” Logistic Support Service.. Maasahang Tagatustos ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas laban sa Hamon ng Krimen at Pandemya.”

Sa kanyang talumpati ni Eleazar, kinilala nila ang role ng PNP LSS at aniya’y mahalaga ang logistics para maayos ang serbisyo sa publiko ng PNP.

Pinuri ni Eleazar ang PNP LSS sa pamumuno ni PBGen. Mario A. Reyes at mga tauhan nito dahil naging epektibo sila sa kanilang trabaho lalo na ngayong nasa pandemic pa rin ang bansa. EUNICE CELARIO

4 thoughts on “DRIVER COP PINARANGALAN SA 63rd PNP LSS FOUNDING ANNIVERSARY”

Comments are closed.