GOOD day, mga kapasada! Sa panahon na ang NCR Plus ay nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), please lang po, mga kapasada, observe by heart ang kahingian ng Inter-Agency Task Force (IATF) health protocols. Isa pong developmental information for drivers ang ating tatalakayin sa isyung ito.
Maaaring hindi kayo kasali sa paksang ito, ngunit makabuburi na rin po ang unawaing mabuti ito sapagkat ito ay karaniwan nang ipinatutupad sa bansa kaugnay sa multang ipinapataw ng ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapatupad ng ‘no contact apprehension’ policy. Nakapasa na sa ikalawang pagbasa ang pagsasabatas ng ‘no contact apprehension policy’ sa lungsod ng Quezon na lubos namang suportado ng isangcommuter at transport groups ang pagsasabatas nito. Gayunman, bagaman buong pagkakaisang sinusuportahann ng naturang transport group ay idinaing naman ng mga ito na bigyangp pasubali ang pagpapatupad nito sakaling mapagtibay ng konseho. Sinabi ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), na hiniling ng kanyang grupo na ikonsidera ng mga komsehal ang ilang suhestiyon upang maging maayos at makatarungan sa kinauukulan, partikular sa mga drayber at car owner, ang implementasyon ng naturang ordinansa.
Una, ayon kay Inton, dapat isama ang aktuwal na drayber, hindi lang ang plaka ng may-ari ng sasakyan na nakunan ng CCTV. Sa kasalukuyan, pahayag pa ni Atty. Inton, plaka lamang ang nagiging basehan ng violation na ang end result ay ang napagbubuntunan ng pagkakasala ay ang registered owner ng sasakyan. Idinagdag pa ni Inton na sa ganitong pangyayari, ang registered owner ang pinagbabayad ng multa samantalang wala naman siyang kinalaman sa violation ng drayber, bagay na ang drayber ay ligtas sa parusang multa.
Idinagdag pa ni Inton na sa ganitong pagkakataon, dapat ay ang driver’s license ng mahuhuling sasakyan ang pagdiskitahan ng mga tagapagpatupad ng batas satrapiko at hindi ang rehistro ng car owner sapagkat wala naman itong kinalaman sa ginawang paglabag ng drayber. Gayundin, inireklamo ng grupo ni Inton ang pagkabalam ng pagpapadala ng notice of violations sa mga operator dahil madalas daw na bumibilang ng linggo bago matanggap ang abiso. Suhestiyon ng LCSP, dapat ay hindi lalagpas ng isang linggo (pitong araw) lang na ipadala na upang matanong ang drayber na siyang aktuwal na lumabag sa batas-trapiko.
Dagdag na suhestiyon ng LCSP na huwag namang P3,000 ang multa, dahil hindi naman ito angkop para sa mga tricycle, jeepney at maging sa delivery drivers. Marahil, aniya, iyong P1,000 multa ay sapat nang maging dahilan ng mga pasaway na drayber para maging aral sa kanilang pagiging bulastog (defiant) sa panahon ng kanilang paghahanapbuhay. Bilang pangwakas, nanawagan ang LCSP na huwag naman sanang madaliin ng konseho ang pagpasa ng ‘no contact apprehension’ upang maisaalang-alang ng mga ito ang kanilang karaingan para maging higit na maayos at patas ang pagpapatupad ng nasabing ordinansa sa lungsod ng Quezon and elsewhere.
MAHAHALAGANG BAHAGI NG SASAKYAN ALAMIN
Mga kapasada, talakayin natin ang isa sa may pinakamahalagang papel na ginagampanan ng isang engine part na tinataglay ng inyong minamanehong sasakyan. Matagal na pong isyu itong ating tatalakayin ngunit hindi po natin natalakay noon dahil sa COVID-19 pandemic. Ang atin pong tatalakayin sa pamamagitan ng ating kasangguning batikang mechanic na may talyer sa Belisario Subdivision, Paranaque City ay ang kahalagahan ng clutch sa inyong minamanehong sasakyan.
Ayon kay Jess, hindi puwedeng sabihing mali pero sabihin na lang natin na hindi magandang practice ‘yung kapag nag-clutch as in na naka-neutral ka rin, so kumbaga kung tumatakbo ka ng 40kph tapos papalapit ka sa traffic light na naka-neutral, pakiramdam mo talaga na hindi bumabagal kung sinaltik mo ang preno, ang pakiramdam mo mabilis pa rin kasi pagbitaw mo ng prenong may momentum pa ring forward ‘yung motor mo kaya ang pakiramdam ay bumibilis pa rin ang takbo. Idinagdag ni Jess na hindi niya masabing mali pero mahirap aniyang ipaliwanag na may mas magaling kasing paraan para makontrol ang bilis kung gusto mong bumagal ang takbo ng sasakyan.
ANG ENGINE BRAKE
Let’s say na nasa 4th gear ka na nasa tuling 40kph, tapos gusto mong bumagal, either bitiwan mo ‘yung gas tapos magpreno, or mag-down shift ka, halimbawa sa gear na ‘di lalampas sa 40kph ‘yung sasakyan, say sa 2nd gear kung kailangan para ‘yung transmission ay hindi mapunta sa 40kph karaka-raka. Ang tawag sa ganitong pagkontrol ng preno ay ENGINE BRAKE. Sa paraan ng engine brake, hahayaan mo na ‘yung gear box ang tumulong para tumagal kaysa naka-neutral ka na wala kang gear na para kang tumatakbo ng downhill.
BAD HABIT ANG CLUTCH RIDER
Sa patuloy na pagtalakay ni Jess tungkol sa clutch, binigyang-diin niya na ‘bad habit‘ ng isang driver ang pagiging clutch rider. Ayon kay Jess, totoo ‘yung laging nakasakay ang paa sa clutch para kontrolin ‘yung bilis, lalo na ‘pag nagmamaneho sa downhill (palusong) wala kang gear noon, gulong lang ang gumagana. May gear ratio ‘yung mga gear box natin kaya magtiwala ka doon, bawat gear mo ay may maximum itong speed. Gamitin mo ‘yung gusto mong magkontrol ng bilis sa downhill o gusto mong magkontrol ng bilis sa stop light, para gaya ng sinabi ko, ingat ang kailangan, payo pa ni Jess
SAMU’T SARING TANONG NG MGA NOBATONG DRIVER
Isa pang katanungan na sinagot ni Jess mula sa isang nobatong drayber na nagsabi na bakit daw sobrang usok ang ibinubuga ng tambutso ng kanyang sasakyan. Ang kanya raw car ay gas engine. Ipinaliwanag ni Jess na maraming dahilan kung bakit sobrang usok ang lumalabas sa tambutso tulad ng: para sa gas engine, sobrang dami ng possibilities tulad ng automatic choke ng carburetor, kailangan ang magkaroon ito ng adjustment. Suhestiyon ni Jess, kailangang palitan baka depektibo na ang piston rings, cylinder valve guides seal at cylinder head socket. Para naman sa mga new model car, ‘yung turbo system needs to be cleaned up, hindi dapat magkahalo sa burning fuel ang air ‘yung coolant, transmission fluid at engine oil. Kung magkakahalo-halo aniya, ang mga ito, magkakaroon ng irregularities na siyang pagmumulan ng masamang usok na lumalabas sa tambutso maging sa diesel o gas engine. Balikan natin ang clutch. Tungkol sa provable ng maling function ng clutch, muling nilinaw ni Jess na bad habit ang pagiging clutch rider. Madali aniyang mapudpod ang clutch lining na siyang pagmumulan ng pag-slide at pag-ingay ng transmission shift.
ANG MABUBUTING ASAL SA PAGMAMANEHO
Ayon sa mabuting aral na turo ng defensive driving na halos nakatutulig na sa inyong pandinig dahil sa paulit-ulit na pangungulit ng pitak na ito ay ang may kinalaman sa inyong kabutihan at kahusayan sa pagmamaneho. Mga kapasada, kailangan ko pa bang ulitin na ang kahusayan ng isang drayber ay hindi nasusukat sa kanyang paghawak ng manibela, kahusayan sa pagpapatakbo ng matulin at pagdating sa destinasyon sa wastong oras. Ang katangian ng isang drayber, ayon sa Land Transportation Office (LTO), na primordial na pamantayan ng isang drayber ang pagkakaroon ng kortesiya at konsiderasyon ng drayber sa kanyang pasahero, at sa kanyang kapwa drayber. Iyan at marami pang iba, ayon sa LTO, ang dapat isadiwa, gawin at hindi ibangko sa isipan ng walang tubo ang mga turong aral na sa turo lamang ng Defensive Driving ninyo matototohan.
.LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI HAPPY MOTORING!
mes3101619errtbh oce3olu 9AC9 HKeVmc4
mks3101619errtbh u208HYi 5FSA CKpLy5k
mys367076utr 0iNzNqR dESN DlfBCmm
Hi, this is Anna. I am sending you my intimate photos as I promised. https://tinyurl.com/y5gvzh3x
512895 990959Great job on this write-up! I actually like how you presented your facts and how you made it fascinating and easy to recognize. Thank you. 746312
mps2600154rtjuny zTe2Tvl BNJo ItmDyrq
Play for free and win real money! Claim (3) Free Spins Below https://tinyurl.com/y7gdmcvy
mes10481442utr lEYzJdL eUH5 5Bz5Bwt
709838 402191Wohh exactly what I was looking for, regards for posting . 559452
We have prepared a special offer for you. Take your 500$ https://tinyurl.com/y4qbp47h
We have prepared a special offer for you. Take your 500$ https://tinyurl.com/yxp9mxt9
Hi, this is Jeniffer. I am sending you my intimate photos as I promised. https://tinyurl.com/yxvvd4lq
Hi, this is Julia. I am sending you my intimate photos as I promised. https://tinyurl.com/y3r7r9rq
Hi, this is Jeniffer. I am sending you my intimate photos as I promised. https://tinyurl.com/y5hc9ocf