DRIVER NG AMBULANSIYA HINARAS NG DENTISTA

binaril sa ulo

NUEVA VIZCAYA- ISANG dentista ang inaresto ng PNP Sta. Fe, matapos na ireklamo ng driver ng ambulansiya na umano’y nanunutok ng baril at pagbantaan siya sa National Highway, Brgy. Banggot, Bambang.

Kinilala ng PNP Sta. Fe ang suspek na si Apolonio Padron, 52, dentista, residente ng Quezon City, habang ang tsuper ng ambulansiya ay si Victorino Espirito, 64, at residente ng Villa Flores, Sta. Fe, Nueva Vizcaya.

Ayon sa biktima, habang nagmamaneho siya ng ambulansiya upang dalhin ang isang pas­yente sa hospital nang bigla na lang tumawid sa highway ang isang sports utility vehicle kaya napahinto siya.

Matapos nito ay bigla na lang ibinaba ng suspek ang bintana ng kanyang sinasakyan saka  tinutukan ng baril ang tsuper ng ambulansiya saka nambulyaw at nagbanta.

Dahil sa pagtutok at pagbabanta ng suspek ay mabilis na tumawag ang isa sa pamilya ng pasyente na lulan ng nasabing ambulansiya sa Sta. Fe Police Station na nagtatag ng check point.

Nang mapansin ng suspek na may checkpoint sa kanyang daraanan ay tumakas kaya agad namang hinabol ng awtoridad hanggang makorner. IRENE GONZALES

Comments are closed.