DRIVER-ONLY VEHICLES OUT NA SA EDSA

EDSA

MAKATI CITY – UPANG umalwan ang biyahe sa EDSA mula Caloocan City hanggang Pasay City, ipagbabawal na ang driver-only vehicles tuwing rush hour sa nasabing dambuhalang kalsada.

Kasunod nito ang pag-apruba ng Metro Manila Council (MMC) para sa pagpapatupad sa High Occupancy Vehicle (HOV) lanes.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), wala pa  aniyang  petsa  para sa opisyal na pagpapatupad nito sa EDSA at kung saan nitong nakaraan ay  dry-run pa lamang ang pagpapatupad ng HOV.

Ang HOV lanes ay nasa bandang malapit sa MRT na nasa kahabaan ng EDSA, na ang babagtas lamang dito ay ang mga pribadong motorista na ang sakay ng kanilang behikulo ay nasa dalawa at mahigit pa dito at kung isa lamang ang sakay na dadaan sa HOV lanes ay huhulihin ito.

Bukod sa HOV, kabilang sa inaprubahan ng MMC, ang policy ma­king body ng MMDA na kinabibilangan ng 17 alkalde sa Metro Manila, ay ang pagba-ban ng mga provincial buses sa EDSA tuwing rush hours.

Na dapat ay ang implementasyon nito ay sa ­Agosto 15, subalit posibleng ipagpaliban muna dahil hindi pa ma-a-­accomodate ng Valenzuela Interim Terminal ang mga bus na magmumula sa Bulacan, Pampanga at Bataan.   MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.