DRIVER, PAHINANTE PATAY SA KURYENTE

BATANGAS- MAGKASUNOD na nangisay at binawian ng buhay ang driver at pahinante nang sumayad sa high tension live wire ang kanilang dump truck makaraang dumaan sa bayan ng Taysan sa lalawigang ito.

Sa ulat ng Batangas PNP, nasawi ang drayber ng dump truck at pahinante nito nang gapangan sila ng malakas na boltahe ng kuryente mula sa isang live wire na kanilang nadaanan habang binabagtas ang national road.

Lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad na kamakalawa ng gabi habang inaayos ng drayber ang rig ng dump box ng kanyang trak kung saan hindi namamalayan ay tumama ito sa isang live wire.

Agad na nakuryente ng driver at nang makita ito ng kanyang pahinante ay tinangka pa siyang hilahin nito subalit maging ito ay ginapangan na rin ng mataas na boltahe kaya magkasama silang nangisay.

“Noong ini-angat po niya ‘yung dump box nu’ng truck, tumama po siya sa live wire, kasi madilim po,” pahayag ng hepe ni Major Mickglo Mariñas, chief of police ng Taysan. VERLIN RUIZ