IPINAGKALOOB kay Customs Commissioner Isidro Lapeña ang limang Progeny ResQ (Raman Spectrometer) ng Worlds Customs Organizations Asia Pacific Security Project (WCP-APSP) na isang chemical detector device na gagamitin ng Bureau of Customs sa pag-detect ng mga droga o kemikal na papasok sa bansa.
Ang sinasabing kagamitan ay ibinigay kay Lapeña ni Mohammad Ehteshamul Hoque sa isang simpleng seremonya na ginanap sa opisina ng komisyoner.
Ang mga ito ay dinesenyo para maka-detect ng precursor chemicals na papasok sa BOC partikular sa mga border na siyang ginagamit para makapasok ang mga illegal drugs .
Sinaksihan ang turnover ni Rigaku Analytical Devices General Manager Lawrence Wong na siyang bihasa sa paggamit nito, Deputy Commissioners Gladys Rosales ng Internal Administration Group, Teddy Sandy Raval, Jesus Fajardo, Director Yogi Felimon Ruiz, Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla, Collector Lilibeth Sandag, District Collector, Port of Clark, Collector John Simon, Head ng External Affairs and Planning and Policy Research Division, Carmelita Talusan, District Collector, Port of NAIA at iba pang BOC officials.
Sinabi ni Lapeña na sa pamamagitan nitong device, hindi na makalulusot sa kanyang mga tauhan ang illegal drugs. FROI MORALLOS
Comments are closed.