DROGA MALAPIT NANG MABURA SA BULACAN

droga

GUIGUINTO – BUNSOD ng maigting na kampanya ng pulisya katuwang ang local government unit, malaki ang posibilidad na maideklarang drug-free ang bayan ng Guiguinto at Balag­tas sa unang tatlong buwan ng taong 2020 at sundan ang bayan ng Paombong na siyang unang idineklarang drug free municipality sa lalawigan ng Bulacan.

Dahil sa matin­ding suporta nina Gui­guinto  Mayor Ambrosio ‘Boy” Cruz Jr. at Balagtas Mayor Eladio Gonzales Jr, sa kampanya ng kapulisan sa giyera laban sa droga na siya ring prayoridad ni Pangulong Duterte, dahan-dahan nang na­lilinis ang nasabing mga bayan sa suliranin sa droga matapos ang matagumpay na kampanya sa taong 2019.

Sa impormasyong nakalap, posibleng mauna ng ilang buwan na maging drug free ang bayan ng Guiguinto at bunga ito ng pagsisikap ng kapulisan bunga ng full support na ipinagkakaloob ng pamahalaang-lokal sa PNP sa kanilang maigting na kampanya laban sa droga kung saan kaisa rin ng PNP ang mga Barangay officila sa mga imbentar­yo ng mga nahuhuling tulak sa kanilang lugar na dahan-dahan nang nauubos matapos ang matagumpay na drug war sa nasabing bayan.

Tiniyak naman ni Mayor Gonzales na patuloy niyang susuportahan ang kampanya ng PNP laban sa ile­gal na droga sa siyam na barangay sa bayan ng Balagtas at maliit na bilang na lang ng mga sangkot sa droga ang patuloy na sinusubaybayan ng kapulisan at mga opisyal ng barangay para maaresto.

Mahigit 140 barangay na sa Bulacan mula sa kabuuang 569 barangay mula sa tatlong siyudad at 21 bayan ang drug free na at tanging ang ba­yan ng Paombong ang deklaradong drug free at kasunod nga nito ang bayan ng Guiguinto, Balagtas gayundin ang bayan ng San Rafael na posibleng maging drug free sa taong 2020. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.