DROGA NA ITINAGO SA HAIR BRUSH NA-INTERCEPT NG BOC SA NAIA

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Arport (NAIA) ang isang parcela o bagahe na naglalaman ng 560 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P3,808,000.00 ang halaga.

Ayon sa pahayag ng BOC, ipadadala ito ng taga Molino 4, Bacoor Cavite sa isang residente ng Mount Riverview sa Australia.

Itinago ang droga sa loob ng hair blower at hair brush na idineklara bilang mga eyelashes sets, electric hair dryer, at electric brush.

Ayon sa report, nadiskibre ang mga illegal drugs, matapos ipadaan sa physical examination sa harap ng custosm drugs operatives at mga tauhan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA).

Tumabad sa mga operatiba ang pitong improvised pouches ng shabu na itinago ng may ari sa loob ng hair dryer at hair brush.

Ang mga shabu ay agad na inilipat ng BOC sa mga tauhan ng NAIA-PDEA Interdiction Task Group. Froilan Morallos