DROGA NABISTO SA CHECKPOINT

BULACAN-TATLONG drug suspects kabilang ang isang rider na nadakip ng pulisya matapos makumpiskahan ng shabu sa check-point nang hanapan ng dokumento ang motorsiklo nito ngunit nabisto ang droga nang buksan ang pouch sa harap ng sa Barangay Pulong-Buhangin, Sta.Maria kamakalawa ng gabi sa lalawigang ito.

Kinilala ng pulisya ang naarestong rider na si Leo Bernardo ng Barangay Pulong-Buhangin, Sta.Maria kabilang din sina Garry Nicolas ng Barangay Antipona at Rolando Dela Cruz alias Rolly ng Barangay Bagumbayan, kapwa sa bayan ng Bocaue na nakakulong ngayon dahil sa nakuhang labing-isang pakete ng shabu.

Nabatid na kamakalawa ng gabi nang pahintuin ng elemento ng Sta.Maria police sa ilalim ng pamumuno ni Lt.Col.Voltaire Rivera na nagsasagawa ng Oplan Sita sa City Land, sakop ng Barangay Pulong-Buhangin, Sta.Maria ang rider na si Bernardo upang tingnan ang dokumento ng kanyang motorsiklo.

Habang binubuksan ng suspek ang kanyang pouch ay nakita ng pulisya ang tatlong maliliit na pakete ng shabu kaya kaagad siyang inaresto at hindi na nakapalag ito dahil sa dala-dalang droga at dumaan sa police check-point.

Samantala, nagsagawa naman ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit(SDEU) ng Bocaue police sa Barangay Antipona at kanilang target ang dalawang tulak na sina Nicolas at Dela Cruz na hindi na nakapalag matapos makumpiskahan ng walong pakete ng shabu, cigarette case at buy-bust money.

Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong kriminal sa piskalya sa Malolos City. MARIVIC RAGUDOS