NAPAPANAHON at may kaugnayan sa kasalukuyang sitwasyon sa bansa ang paghimok ni Pope Francis sa lahat na labanan ang produksiyon at distribusyon ng mga ilegal na droga.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang pahayag ng Santo Papa sa conference sa Vatican na may temang “Drugs and Addictions: An Obstacle to Integral Human Development” ay hindi lamang may kaugnayan sa sitwasyon ng bansa kundi ito ay napapanahon sa Filipinas.
Hinihimok ni Pope Francis ang lahat ng pamahalaan na labanan ang drug addiction at matapang na harapin ang sinasabing “deal in death.”
Sinabi ni Panelo na ito ang tama at makatuwirang paliwanag sa giyera ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa ilegal na droga sa bansa. “To save the young and future generations of Filipinos from the drug scourge. Laudable developments have been achieved by the current administration in this regard, notwithstanding the noise coming from the loud minority composed of his detractors and critics here and abroad,” dagdag nito.
Sinasang-ayunan ni Pope Francis ang kampanya ng gobyerno ng iba’t ibang bansa na labanan ang mga drug trafficker na nagiging sanhi ng kamatayan at kapahamakan ng marami.
Ang pagiging sugapa sa droga ay nakasasagabal sa pag-unlad, dagdag pa ng Santo Papa.
Comments are closed.