QUEZON CITY – Pinaaalalahanan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang publiko lalo na ang mga party-goers na nagbabalak pang magdala ng mga ilegal na droga sa mga music festival.
Ayon kay PDEA Director General Aaron N. Aquino, isang senior high-school student na babae ang kanilang pinigil sa kanilang tanggapan nang maamoy ng K9 ang dala nitong droga na papasok sa isang event sa Makati City noong Oktubre 26.
Nanawagan din ang PDEA sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak na magtutungo sa mga party.
Ito ay upang hindi maulit ang Mayo 22, 2016 incident kung saan limang menor ang nasawi dahil sa party drugs. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.