NASAKOTE ang walo katao sa magkasunod na buy bust operation ng awtoridad noong Biyernes ng madaling araw sa Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City,
Alas-11: 45 ng gabi ng unang maglunsad ng operasyon ang mga tauhan ni Station Drug Enforcement Unit [SDEU] chief P/Capt. Dennis Francisco, at nagresulta naman ito ng pagkakadakip kina Rolly Dufort Garay, Peter Calindagan Calixto, Andy Esclamado Gonzaga, Rudy Calderon de Leon at Frederico Sta. Ines Colonel sa Brgy. Sauyo.
Lumitaw sa pagsisiyasat ng imbestigador na may hawak ng kaso, nadakip ang mga suspek sa nabanggit na bahay ni Peter Calixtros, kung saan nakarekober ang awtoridad ng mga ebidensiya ng 11 piraso ng transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang zip lock na naglalaman ng hinihinalang marijuana, isang pouch, isang piraso ng P500 bill na ginamit sa buy bust, dalawang unit ng cellular phone, limang piraso ng P1,000 na boodle money at isang tin can.
Sa sumunod namang operasyon ay nasakote ang tatlo katao pa ng mga tauhan ni QCPD-Police Station 4 chief P/Lt. Colonel Rossel Cejas.
Ang awtoridad ay nakasamsam ng humigit kumulang 15 gramo ng shabu na umaabot sa halagang P102,000, isang kalibre 38 at mga buhay na bala at iba pang ebidensiya na magagamit sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa naturang mga suspek na kasalukuyang nakakulong sa selda ng QCPD Station 4. EVELYN GARCIA
Comments are closed.