BULACAN – ISANG notorious drug dealer ang napatay samantalang 10 pa ang nadakip sa anti-illegal drugs operations ng Bulacan-PNP kamakalawa.
Ayon kay PCol. Chito Bersaluna, director ng Bulacan-PNP, nanlaban kaya napatay ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng pulisya si Nasib Patumanong, 38, alyas “Nash,” kabilang sa listahan ng Barangay Anti-Drug Abuse (BADAC) sa Brgy. San Roque, Baliwag, Bulacan.
Nabatid na nakipagbarilan si Patumanong sa mga pulis na binentahan niya ng ilegal na droga kaya mabilis napatay pero nakatakas ang kasamahan niya lulan ng itim na Yamaha Mio Sporty na motorsiklong walang plaka patungong San Luis, Pampanga.
Narekober sa lugar ng barilan ang 31 plastic sachets ng shabu, isang caliber .38 smith and wesson revolver at buy bust money.
Nahulihan naman ng 21 sachets ng shabu ang 10 pang drug suspect na nadakip sa Guiguinto, Calumpit, Bustos, Meycauayan City, at Bulakan kaya dinala sa Camp Alejo Santos City sa Malolos City para masampahan ng mga kaukulang kaso. A. BORLONGAN
Comments are closed.