CEBU – NASAKOTE ng magkasanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang 28-anyos na suspek kasabay ng pagkakasamsam sa isinagawang anti-drug operation sa Mandaue City.
Kinilala ng PDEA ang suspek na si “Kent,” residente ng Barangay Pasil, Cebu City.
Naaresto ang suspek sa isang buy-bust operation sa Logarta Street, Subangdaku, Mandaue City dakong alas-7:38 ng gabi.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakasamsam ng siyam na pakete ng shabu na may bigat na tinatayang 4.5 kilo at estimated street value na P30.6 milyon.
Itinurn-over na ang nakumpiskang droga sa PNP Regional Forensic Unit para sachemical analysis.
Ang naturang suspek ay nakaditine sa Mandaue City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act.
EVELYN GARCIA