DRUG DEN BINUWAG NG PDEA

RIZAL – BINUWAG ng joint operatives ng PDEA Rizal at Cavite Provincial Office kasama ang Philippine Airforce Tactical Operations Group 4 ang isang drug den na nagresulta sa pagkakaaresto ng lima katao sa Barangay San Isidro sa Antipolo City nitong Sabado ng gabi.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Alfonso Prejula, 57-anyos, may asawa, tagapangasiwa ng drug den; Leo Sven Olayvar, 24-anyos, nag- tatrabaho sa investment marketing; Rafael Chris- tian Ramos, 27-anyos, jobless; Erwin Desipida, 44-anyos, tattoo artist at Mark Niño Clemente, 33-anyos, driver, pawang mga binata.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang tinata- yang 6 na gramo ng sha- bu na nagkakahalaga ng P40,800.00, perang gi- namit sa buy-bust opera- tion at iba’t ibang drug paraphernalias.

Kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek.

RUBEN FUENTES