NABUWAG ng mga operatiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isang hinihinalang drug den matapos ang pagkakaaresto sa pitong drug personalities, kabilang ang dalawang notoryus drug pushers sa buy bust operation sa naturang lungsod kahapon ng madaling araw.
Ayon kay SDEU head Sr. Insp. John Chua, nagawang makipagtransaksiyon ng kanyang isang undercover police, na nagpanggap na buyer, ng isang pack ng shabu na nagkakahalaga sa P500 kay Alijohn Cruz, 44, at Sideric Murillo, 37, dakong 1:30 ng madaling araw sa loob ng bahay ng isa sa suspek na ginagamit umanong drug den sa 775 J. Emmanuel St., 8th Avenue.
Pagbigay ng senyas ng undercover police sa kanyang mga kasamahan ay agad pinasok ang bahay ni Cruz na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Dinakip din ng mga operatiba sina Judolo Balang, 40, Ihvan Paul Reyes, 20, Francis Henry Baguino, 32, Emerito Yasana, Sr., 39 at Erica Perez, 22, matapos maaktuhan sa loob na sumisinghot ng shabu.
Narekober sa mga suspek ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihihinalang shabu at mga drug paraphernalia. EVELYN GARCIA
Comments are closed.